Samahan kaming itayo ang OpenAI Foundation

Ni OpenAI Foundation

Umiiral ang OpenAI Foundation para makatulong na matiyak na nakikinabang ang buong sangkatauhan sa AGI. Naniniwala kaming hindi sapat ang mga pagsulong sa AI mismo para matupad ang pangakong iyon. Kakailanganing gamitin ang AI sa mga bagong paraan: palawakin ang naaabot ng mga progreso sa agham at medisina, patatagin ang resilience, palawakin ang kayang makamit ng lipunang sibil, at bumuo ng mga organisasyong kayang gawing mga benepisyo para sa nakakarami ang mga bagong capability.

Binubuo namin ang Foundation para makatulong na maisakatuparan iyon.

Noong Marso 2026, inanunsyo namin ang mga paunang tinaggap sa trabaho ng Foundation at ibinahagi ang layunin naming mamuhunan ng hindi bababa sa $1 bilyon sa susunod na taon sa mga larangang kabilang ang AI Resilience⁠, Life Sciences and Curing Diseases⁠, at AI for Civil Society and Philanthropy⁠, at malayo-layo na ang aming narating.

Marami nang anyo ang gawaing iyon, na nakatuon sa paghahanap at pagpapalawak ng mga solusyong makagagawa ng kongkretong pagbabago. Sinusuportahan namin ang mga pagsisikap na gamitin ang AI laban sa mga sakit gaya ng Alzheimer’s, palakasin ang ating kakayahang ma-detect ang mga bagong biyolohikal na banta, tulungang maabot ng mga pagsulong na nagliligtas ng buhay ang mas maraming tao, at paunlarin ang kapasidad ng lipunang sibil na harapin ang mga pagbabago at makinabang sa AI.

At nagsisimula pa lang kami.

May substantial na resources at malawak na mandate ang Foundation, pero maliit pa rin ang team nito. Gusto naming bumuo ng organisasyong kikilos nang may urgency gaya ng isang startup, makagagawa ngayon ng makabuluhang progreso sa mahahalagang suliranin, at makakabuo ng mga programang magpapanatili at patuloy na magpapalago sa progresong iyon.

Ibig sabihin, kailangan namin ng mahuhusay na taong tutulong bumuo sa aming mga programa at sa institusyon mismo.

Nagha-hire kami ng mahigit 20 role, kabilang ang:

  • Head, AI for Alzheimer’s⁠—Tumulong tumuklas ng mga paraan para tuluyang maiwasan at magamot ang sakit na ito para sa mga pasyente at kanilang pamilya sa buong mundo.

  • Head of Grant Operations⁠—Tulungan kaming buuin ang mga system at operation na required para makapagkaloob ng mga grant sa bagong antas ng pagkakawanggawa.

  • Head of Talent⁠—Tulungan kaming mabilis na bumuo ng world-class na team sa pamamagitan ng pagkuha ng mahuhusay na tao mula sa mga tradisyonal at di-tradisyonal na background at pagsasama-sama ng pambihirang dami ng talento.

  • Chiefs of Staff for AI Resilience⁠ at Life Sciences and Curing Diseases⁠—Tumulong gawing mga programa at institusyong may pangmatagalang epekto ang mga ambitious na estratehiya.

  • At marami pang role sa aming mga program at operation.

Bihira lang ang pagkakataong makasali sa isang organisasyon na nasa ganitong stage: may ganito kalaking misyon, suportado ng mga significant na resource, at may marami pang bahaging kailangang buuin.

Naghahanap kami ng mga ambitious na tao para sa mga posibilidad na mabubuksan ng AI at may malinaw ang pananaw sa gawaing kailangan para maging tunay ang mga benepisyong iyon. Mga scientist na gustong maging mga treatment ang kanilang mga discovery. Mga grantmaker na gustong sumuporta sa mahalagang gawain bago pa makita ng lahat ang halaga nito. Mga operator na gustong bumuo ng organisasyong kayang kumilos sa pambihirang lawak. At mga tao mula sa mga larangang maaaring hindi pa namin alam na kailangan namin.

Kung ito ang uri ng gawaing gusto mong pag-ukulan ng iyong sarili, samahan mo kaming buuin ang susunod na phase ng OpenAI Foundation.

Tingnan ang mga bakanteng role sa openaifoundation.org/careers⁠

Tungkol sa OpenAI Foundation

Ang OpenAI Foundation ay isang charitable organization na nakatuon sa pagtiyak na nakikinabang ang buong sangkatauhan sa AI. Sinusuportahan ng Foundation ang mga inisyatibang nagsusulong ng siyentipikong pagtuklas, nagpapatatag sa lipunang sibil, at nagpapalakas ng resilience sa pamamagitan ng responsableng AI. Sa pamamagitan ng mga grant, partnership, at iba pang inisyatibang pangkawanggawa, tumutulong ang Foundation na pabilisin ang gawaing lumilikha ng mga pangmatagalang benepisyo para sa publiko at nagpapalawak ng access sa transformative na potential ng AI.

Ang OpenAI Foundation ay isang hiwalay na nonprofit corporation mula sa OpenAI PBC at independent itong kumikilos para itaguyod ang misyong pangkawanggawa nito.

Alamin pa sa www.openaifoundation.org⁠.